Base kasi sa datos na inilabas ng PNP Crime Laboratory, bumaba na ang bilang ng mga naitatalang kaso ng rape kung ikukumpara sa mga datos na nakalap noong nakaraang taon.
Ayon kay PNP Crime Lab Deputy Director for Administration Senior Supt. Ligaya Siohe Lim, base sa kaniyang obserbasyon ay nagwawagi ang gobyerno sa war on drugs dahil dati, umaga pa lang ay mahaba na ang pula ng rape victims sa kanilang opisina at karamihan ay mga biktima pa ng gang rape.
Ngayon aniya, kumaunti na ang mga biktima ay incest rape pa ang kanilang mga naitatala.
Sa kaniyang post sa official Facebook page ng PNP, makikita na mula noong January hanggang June 2016, umabot sa 4,850 ang naitalang rape cases sa bansa.
Pero sa parehong panahon ngayong 2017, bumaba ito sa 4,650, o nabawasan ng 200 insidente.