‘Mocha vs. Chocolate’ tweet ni Sen. Angara, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens

 

Bagama’t may mga natawa, tila marami rin ang bumatikos sa naging tweet ni Sen. Sonny Angara ukol kay Sen. Nancy Binay at Mocha Uson.

Ito ay kaugnay ng naganap na hearing ng Senado kahapon ukol sa fake news.

Niretweet ng senador ang isang video clip kung saan pinapayuhan ni Binay si Uson na pumili na sa pagitan ng kanyang pagiging blogger o ang kanyang posisyon sa gobyerno.

Ang caption ng Senador ay “Mocha vs Chocolate na ba Sen. Nancy Binay” na may emoji pang nakatawa, peace sign at hashtag na nagsasabing “it’s on!”.

Marami ang hindi natuwa sa tweet ni Angara at ang ilan ay nagsabing hindi katutuwa ang biro at napakataklesa umano nito.

May nagsabi pa na nakakabahala umano kung paano ginamit ng senador ang kanyang ‘freedom of speech.’

May nagpost din ng meme na inilalarawan ang senador na “pabibo.”

Iginiit naman ni Angara sa isa pang post na magkaibigan sila ni Binay at nagbibiruan lamang sila at hindi sinseseryoso ang mga bagay na tulad nito.

 

Read more...