Batangas, niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

 

Mula sa Phivolcs

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa 20 kilometers East ng Calatagan bandang 6:24 ng gabi, MIyerkules.

Tectonic ang origin ng naturang lindol.

Bunsod nito, wala namang napaulat na pinsala sa lindol.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...