Naaktuhan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang limang miyembro ng Termite Gang na muling pinaghahandaan na pasukin ang isang bangko sa EDSA cor. New York Street, E. Rodriguez Ave. ilang araw matapos nilang looban ang China Bank sa Fairview, Quezon City.
Kinilala ni QCPD District Director C/Supt. Guillermo Eleazar ang limang suspek na sina Jordan Duldulao y Agustin, Melbert Bautista Aligan, Allyson Aligan, Gearldine Bawas at Ambrose Rex Layao na pawang mga minero.
Naaresto ang lima sa tulong ng confidential informant na nagbigay ng impormasyon na muling naghahanda ang grupo na pasukin ang BDO Bank na nasa kanto ng EDSA at New York Street sakay ng isang Mitsubishi Montero na may plakang AHN 858.
Noong October 3, maghapon naghintay ang grupo ni Senior Inspector Alan Dela Cruz, CIDU/ Thief and Robbery Section Chief sa lugar at ng makumpirma nga nila ang impormasyon agad nila dinakma ang lima.
Nakuha sa mga suspek ang ibat’ ibang kalibre ng short firearms, heavy duty hydraulic jack, metal bars, heavy duty hand drill, flat screw drivers na nasa loob ng sasakyan ng mga suspek.
Kanina ay sinalakay naman nila ang hide out ng mga suspek sa block 43, Loy 6, Phase 4 Sarmiento Homes, Barangay Muzon, San Jose Delmonte City Bulacan na pagmamay ari naman umano ng isang Irene B. LOM-AS, member ng PNP- Special Action Force.
Dito panibagong set ng mga tools ang nakuha ng mga pulis na ginagamit ng grupo sa pagnanakaw.
Ayon kay ELeazar nasa 15 umano ang miyembro ng grupo na ng loob sa China Bank, lima dito ang naaresto.
Ang mga naarestong mga suspek ay may mga kasong kinakaharap din sa panloob sa mga pawnshop, bangko at grocery store sa marikina, cavite, tarlac, marikina, quezon at silang cavite.
Ang lima ay nahaharap sa ngayon ng kasong paglabag sa 9516 (possesion of explosive), RA 10591 (Illegal Possession of Firearm), CO 5121 ( Illegal Possession of Deadly weapon) na may kaugnayan sa Omnibus Election Law.