Pasaporte ng mga pumatay kay Atio Castillo ipinaka-kansela ni Duterte

Photo: Chona Yu

Pinakakansela na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Foreign Affairs ang passport ng mga suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III ng University ng Sto. Tomas.

Sa pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa mga magulang ni Castillo na sina Horacio Castillo Jr. at Carminia Castillo, sinabi nito na aatasan niya ang DFA oras na mag-umpisa ang cabinet meeting ngayong hapon.

Sa ngayon nasa labas na ng bansa ang suspek si Ralph Trangia.

Kasabay nito, inatasan na rin ng pangulo si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ipatigil na ang ginagawang parallel investigation ng National Bureau of Investigation sa kaso ni Castillo.

Ayon sa pangulo, tanging ang Manila Police District na lamang ang magsasagawa ng imbestigasyon.

Ipinatigil ng pangulo ang imbestigasyon ng NBI matapos isumbong ng tiyuhin ni castillo na si Dr. Malvar Castillo na malakas sa ilang opisyal ng ahensiya ang ilang miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Pero pagtitiyak ng pangulo na walang magaganap na white wash sa kaso ni Castillo.

Read more...