Trillanes hinamon ng Malacañang na sa labas ng Senado banatan si Duterte

By Chona Yu October 04, 2017 - 03:46 PM

“Huwag kang magtago sa likod ng parliamentary immunity”.

Ito ang naging hamon ng Malacañang kay Sen. Antonio Trillanes na patuloy na bumabatikos sa umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, dapat gawin ni Trillanes ang kanyang mga akusasyon sa labas ng plenaryo ng Senado at huwag gamitin ang kanyang parliamentary immunity.

Sa privilege speech ni Trillanes kahapon, ibinunyag nito nagbayad umano ang pangulo ng P10 Million isang Daniel “Snooky” Cruz.

Si Snooky base sa pagsisiwalat ni Trillanes ay siya aniyang nagbenta ng dokumento sa Palasyo hinggil sa umanoy kanyang bank accounts sa abroad kabilang na ang DBS Bank sa Singapore.

Iginiit ni Panelo na wala aniyang dapat na ikabahala ang mambabatas kung totoo ang sinasabi nito.

Dagdag ni Panelo kaduda-duda at imposible na magbayad ang pangulo gayung may access ito sa anumang impormasyong nais nitong malaman dahil sa kanyang posisyon.

TAGS: duterte, Malacañang, parliamentary immunity, trillanes, duterte, Malacañang, parliamentary immunity, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.