BOC employee kinumpirmang 3 beses siyang kumolekta ng pera kay Mark Taguba

File Photo (PDI – GRIG MONTEGRANDE)

Tatlong beses umanong nangolekta ng pang-suhol ang isang contractual employee ng Bureau of Customs (BOC) mula sa broker na si Mark Taguba para sa dalawang opisyal ng ahensya.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senate blue ribbon committee sa Tara system sa BOC, kinumpirma ni May Escoto ang pahayag ni Senator Panfilo Lacson na kinontak nito si Taguba para kumolekta ng pera para kina Customs Intelligence officer Joel Pinawin at dating Customs Intelligence and Investigation Service Director Neil Anthony Estrella.

Ayon kay Escoto, noong April 7 ay sinabihan siya ni Pinawin na kontakin si Taguba.

Dahil hindi gaanong ka-close ay nagpadala na lang ang empleyado ng text message kay Taguba na nagpapaalala ng para sa kanyang sir Joel at sa direktor.

Kalaunan ay pumunta umano si Escoto sa opisina ni Taguba para kunin ang dalawang envelopes na may mga pangalan nina Pinawin at Estrella.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...