Dead-on-the-spot si dating Amulung Vice Mayor Alexander Pascual nang ito ay tambangan sa Barangay Carig, Tuguegarao City, Miyerkules ng umaga.
Binagbagtas ni Pascual national highway sa bahagi ng Brgy. Carig sakay ng kaniyang motorsiklo nang ito ay dikitan ng mga suspek sakay ng Mitsubishi Adventure at saka siya pinagbabaril.
Nagawa pang ipagpatuloy ng biktima ang pagmamaneho ng kaniyang motorsiklo pero sinundan siya ng mga suspek hangang sa tuluyan na itong bumagsak malapit sa bahagi ng Hall of Justice.
Nagtamo ng tama ng mga bala ng kalibre .45 baril si Pascual sa kanyang likuran na nagresulta ng kaniyang pagkasawi.
Si Pascual ay nagsilbing vice mayor ng Amulung taong 2013 hanggang 2016 at residente sa Barangay Cordova.