2 suspek sa pagpatay sa konsehal ng Puerto Galera at kaniyang anak, naaresto na

By Mark Gene Makalalad October 04, 2017 - 09:51 AM

Naaresto na ng mga pulis Miyerkules ng umaga ang dalawang suspek sa pagpatay sa konsehal ng Puerto Galera na si Melchor Arago at anak nitong si Kenneth Arago.

Ayon kay Senior Superintendent Christopher Birung, hepe ng Oriental Mindoro police, pasado ala-1:00 ng madaling araw, naharang sa checkpoint sa bayan ng San Teodoro ang dalawang suspek sakay ng isang van.

Nakilala ang mga ito na sina Tirso Tito, 39-anyos at Rogelio Sto. Tomas, 47-anyos.

Positibo naman aniyang itinuro ng isang testigo ang dalawa.

Kapwa residente ng Lipa City, Batangas sina Tito at Sto. Tomas.

Matatandaang sa ulat ng PNP, nasa loob ng kanyang kotse si Konsehal Arago sa tapat ng kanilang bahay nang bigla na lamang syang paputukan ng mga armadong lalaki na nakasakay sa motorskilo.

Patakas na rin sana ng crime scene ang mga suspek nang makita ng mga ito ang anak ng biktima na si Kenneth na paalis noon ng kanilang bahay na kanila ring pinaputukan.

 

 

 

 

 

TAGS: kenneth arago, melchor arago, puerto galera, Radyo Inquirer, kenneth arago, melchor arago, puerto galera, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.