Stephen Paddock nagpadala ng $100,000 sa Pilipinas, isang linggo bago ang mass shooting

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2017 - 09:38 AM

Nagpadala ng $100,000 o katumbas ng nasa P5 milyon si Stephen Paddock sa Pilipinas, isang linggo bago nito isinagawa ang mass shooting sa Las Vegas.

Gayunman, hindi pa makumpirma ng mga otoridad kung ang pera na ipinadala sa Pilipinas ay para sa kaniyang girlfriend na si Marilou Danley na ayon sa rekord ng Bureau of Immigration ay dumating sa bansa noong Sept. 26.

Maliban dito, may mga ulat din na nitong nagdaang mga lingo, umabot sa $160,000 ang nagastos sa casino ni Paddock.

Samantala, tumanggi naman ang Las Vegas Metropolitan Police Department na kumpirmahin kung hawak na ngayon ng mga tauhan ng FBI si Danley.

Ayon kay Undersheriff Kevin McMahill ang tanging masasabi lamang niya ay patuloy ang operayson ng FBI sa kaso.

Una nang sinabi ng Las Vegas police na sisikapin nilang mapabalik sa Estados Unidos si Danley dahil malaki ang maitutulong nito para masagot ang mga katanungan sa krimeng ginawa ni Paddocks.

 

 

 

TAGS: 000 dollars, 100, Marilou Danley, Radyo Inquirer, stephen paddock, 000 dollars, 100, Marilou Danley, Radyo Inquirer, stephen paddock

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.