Pagtawag ni Dela Rosa ng ‘ingrato’ sa mga kritiko ng drug war, binanatan ni Drilon

By Kabie Aenlle October 04, 2017 - 04:24 AM

 

Tinuligsa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa na ‘ingrato’ ang mga kritiko ng war on drugs ng pamahalaan.

Giit ni Drilon, hindi na baleng maging ingrato siya at makatulong na mailigtas ang buhay ng mga taong nabibiktima ng culture of impunity ng PNP.

Dagdag pa ng senador, pinapasweldo ng mga taxpayers si Dela Rosa para gampanan ang kaniyang tungkulin.

Suportado naman aniya nila ang giyerang ikinasa ng gobyerno laban sa iligal na droga, ngunit tanging hiling nila na huwag naman sanang idaan sa madugong paraan dahil hindi naman nila sinusuportahan ang extrajudicial killings.

Dapat din aniyang maging bukas si Dela Rosa sa mga kritisismo sa kaniya ng mga tao dahil wala namang nagagawa ang name-calling.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.