Fil-Am, isa sa mga sugatan sa Las Vegas mass shooting

By Jay Dones October 04, 2017 - 03:50 AM

 

File photo

Isang 21-anyos na Filipino-American ang napaulat na kabilang sa mahigit limandaang nasugatan sa walang habas na pamamaril ng isang 64-anyos na gunman sa Las Vegas, Nevada.

Ayon sa inisyal na ulat, nakilala ang sugatang Fil-Am sa pangalang Arthur Andrade, residente ng Las Vegas na tinamaan ng bala sa kanyang tiyan.

Agad na nadala sa ospital ng biktima kung saan ito sumailalim sa operasyon.

Kasama noon ni Andrade ang kanyang kasintahan at ilan pang kaibigan sa country music concert sa Mandalay Bay event grounds nang magsimulang magpaulan ng bala ang suspek na si Stephen Paddock mula sa ika-32 palapag ng hotel-casino.

Bukod kay Andrade, ginagamot rin sa iba’t ibang ospital ang mahigit sa limandaang nasugatan sa itinuturing na ‘worst mass shooting’ sa kasaysayan ng Amerika.

Hanggang sa kasalukuyan, misteryo pa rin sa mga otoridad ang motibo ni Paddock sa kanyang ginawang karumal-dumal na krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.