Mga barko ng China, namataan sa paligid ng Pag-asa island
Patuloy na namamataan ang mga barkong pang-militar ng China sa karagatang sakop ng Pag-asa islands sa West Philippines Sea.
Ito ang pagsisiwalat ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na nagpapatunay aniya na hindi pa rin tumitigil ang China sa panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Alejano, kamakailan lamang ay may tatlong Chinese maritime militia at isang barko ng People’s Liberation Army ang namataan ilang kilometro lamang mula sa tatlong ‘sandbar’ malapit sa Pag-asa island at Subi Reef na inaangkin ng China.
Diumano, gumagamit na rin ng ibang taktika ang mga Chinese navy upang itaboy ang mga patrol vessels ng Pilipinas na lumalapit sa naturang mga sandbar sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kanilang mga ‘siren’ o busina.
Giit ng mambabatas, hindi maaring ituring ng China na kanilang teritoryo ang Subi reef dahil isa itong low-tide elevation na walang sariling permanenteng teritoryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.