Panibagong SWS survey ‘ugly truth’ ayon sa Malakanyang

By Chona Yu October 04, 2017 - 04:23 AM

 

Aminado ang Palasyo ng Malakanyang na ‘ugly truth’ ang resulta ng Social Weather Stations survey na nagsasabing tatlo sa bawat limang Pinoy ang naniniwala na karamihan sa mga namamatay sa anti-illegal drug war campaign ng Pangulong Rodrigo Duterte ay pawang mahihirap.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tinutugunan na ito ng administrasyon ng pangulo.

Katunayan, sinabi ni Abella na ito rin ang dahilan kung kaya bukas ang pangulo sa anumang imbestigasyon.

Binigyaan diin din ni Abella na sinisibak na sa puwesto at isinasailalim na rin sa retraining ang mga tiwaling pulis.

Apela ni Abella sa publiko, huwag maging makitid ang pag iisip at huwag tumutok lamang sa maliliit na bagay.

Mas maganda aniya kung titingnan ng malawakan ang mga ginagawa ng pangulo at ito ay ang sugpuin ang ilegal na droga sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.