Ito ay matapos ilabas ng Office of the Ombudsman ang bank record ni Pangulong Rodrigo Duterte na galing umano sa Anti Money Laundering Council (AMLC).
Apela ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa Ombudsman, huwag pumasok sa patibong ng ilang grupo na may agendang pulitikal.
May mga grupo aniya na nagtatangkang pabagsakin ang administrasyon.
Gayunman, hindi na tinukoy ni Abella kung anong partidong pulitikal ang nasa likod ng destabilisasyon.
Nauna nang hinamon ng pangulo ang Obudsman pati na rin ang Chief Justice na sabay-sabay silang maglabas ng kani-kanilang mga bank records at magbitiw sa pwesto kapag napatunayang mayroon silang mga itinatagong yaman.