Ombudsman pinag-iingat ng Malacañang sa pagpanig sa mga destabilizers

By Chona Yu October 03, 2017 - 08:44 PM

Sinabi ng Malacañang unti-unti nang ipinapakita ng Ombudsman ang totoong political color nito.

Ito ay matapos ilabas ng Office of the Ombudsman ang bank record ni Pangulong Rodrigo Duterte na galing umano sa Anti Money Laundering Council (AMLC).

Apela ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa Ombudsman, huwag pumasok sa patibong ng ilang grupo na may agendang pulitikal.

May mga grupo aniya na nagtatangkang pabagsakin ang administrasyon.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Abella kung anong partidong pulitikal ang nasa likod ng destabilisasyon.

Nauna nang hinamon ng pangulo ang Obudsman pati na rin ang Chief Justice na sabay-sabay silang maglabas ng kani-kanilang mga bank records at magbitiw sa pwesto kapag napatunayang mayroon silang mga  itinatagong yaman.

TAGS: abella, AMLC, duterte, Ombudman, abella, AMLC, duterte, Ombudman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.