Pulis na nagsabing state-sponsored ang mga kaso ng EJKs imbitado sa Senado
Ayaw pang husgahan ni Sen. Panfilo Lacson ang kredibilidad ni PO1 Vincent Tacorda sa naging recantation o pagbawi nito sa kanyang naunang affidavit.
Ayon kay Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order ang Dangerous Drugs, kailangan humarap muna sa pagdinig ng Senado si Tacorda upang matukoy ang motibo nito.
Tumanggi din si Lacson na tukuyin alin sa dalawang pahayag, ang naunang affidavit o ang recantation ang may halaga sa ginagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration.
Nauna nang sinabi ni Sen. Antonio Trillanes na na-establisa ng naunang naging pahayag o affidavit ni PO1 Tacorda na talagang state-sponsored ang mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration sa kabila nang naging pagbawi nito sa kanyang pahayag.
Nagbitiw sa PNP si Tacorda dahil hindi umano nito kayang sundin ang umano’y utos ng kanyang Chief of Police na si Senior Inspector Nathaniel Jacob at PNP Provincial Director ng Viga, Catanduanes na si Dir. Jesus Martinez para pumatay ng lima hanggang sampung mga drug suspects sa isinasagawang anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.
Binawi ni Tacorda ang kanyang naunang pahayag sa kanyang affidavit noong May 10 at naglabas ng kanyang pagbawi o recantation noong June 29, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.