Sec. Ubial pinagpaliwanag ng C.A sa madalas na byahe sa abroad
Muling hinarap ni Health Sec. Paulyn Ubial ang mga tumututol sa kanyang ad interim appointment sa isinagawang confirmation hearing ng Commission on Appointments ngayong araw
Pangunahing oppositor ni Ubial si Kabayan Partylist Rep. Harry Roque na kinuwestyon ang umanoy pagiging kurap at incompetent ng kalihim.
Kinuwestyon din ni Roque ang kawalan ng matibay na posisyon ni Ubial sa ipinatutupad na polisiya partikular sa anti-dengue vaccine at umanoy maling pananaw ng kalihim tungkol sa zika virus.
Samantala, hindi naman kumbinsido si Sen. Tito Sotto sa pamamahagi ng DOH ng mga condom sa mga high school students na pinaglaanan ng P159 Million.
Binusisi rin ni Sotto ang umano’y magarbong foreign trips ng kalihim kung saan napagalaman na sa loob lamang ng mahigit sa dalawang buwan nito sa puwesto ay nakabyahe na ang kalihim ng anim na beses abroad.
Ayon pa kay Sotto, kung hindi madesisyunan ng C.A ang appointment ni Ubial bago magbreak ang session sa susunod na linggo ay ito na ang ikatlong bypass ng kalihim at posibleng pagbotohan na agad nila ito sa pagbalik ng session ng Senado sa Nobyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.