52 units ng Cher bus, isasailalim sa road worthiness test matapos ang aksidente sa Alabang Viaduct

By Jan Escosio October 03, 2017 - 01:42 PM

Isasalang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa road worthiness test ang 52 unit ng Cher bus matapos ang aksidente sa Alabang Viaduct sa Muntinlupa City noong Linggo ng gabi.

Pero paglilinaw ni Atty. Aileen Lizada, ang tagapagsalita ng LTFRB, hahatiin sa dalawang batch ang isasagawang test.

Aniya 26 units muna ang sasailalim sa testing at ang kalahati ay papayagan makabiyahe sa kanilang ruta.

Dagdag pa ni Lizada maglalabas sila ng show cause order sa Cher para maipaliwanag nila kung bakit hindi dapat suspindihin o kanselahin ang kanilang prangkisa.

Samantala patuloy ang pagtutok ng LTFRB sa kondisyon ng mga pasahero ng bus na nananatili sa mga ospital dahil sa mga tinamong pinsala sa kanilang ulo at katawan.

 

 

 

 

TAGS: accident, Alabang, Cher, ltfrb, Viaduct, accident, Alabang, Cher, ltfrb, Viaduct

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.