WATCH: Dela Rosa sa mga kritiko ng war on drugs: Mga ingrato kayo!

By Mark Gene Makalalad October 03, 2017 - 12:35 PM

Tinawag na ingrato ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa ang mga kritiko ng war on drugs ng administrasyon.

Banat ni Dela Rosa, lahat naman ay nakikinabang sa peace and order na dulot ng kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Wala naman aniya siyang partikular na tao o ahensya na pinatutungkulan kundi ang lahat ng mga kumakalaban sa kanila ang kanyang tinutukoy.

Pag-amin pa ni Bato, prangka sya na tao kaya nya sinasabi ang mga bagay na ito.

Tanggap nya rin umano ang mga batikos at wala syang problema kung ano ang tingin ng mga kalaban sa kanila.

 

 

TAGS: PNP, Ronald dela Rosa, War on drugs, PNP, Ronald dela Rosa, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.