Sabayang pagbubukas ng bank accounts, panibagong hamon ni Duterte kina Morales at Sereno

Hinamon ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio Morales na buksan ang kani-kanilang bank books sa harap ng mga mambabatas sa Kongreso.

Ayon kay Pangulong Duterte, sa ganitong paraan ay lalabas kung sino talaga ang tiwaling opisyal.

Una nang sinabi ng pangulo na aabot lamang sa P40 million ang kanyang lifetime savings.

Kabilang naman aniya sa kanyang mga asset ay ang lupa na minana niya sa kanyang namayapang ama na si dating Davao Gov. Vicente Duterte.

Nanindigan din si Duterte na maaari siyang barilin kung lalagpas sa P40 million ang kanyang yaman.

Ipinagmalaki pa ng pangulo na kailanman ay hindi siya naging corrupt noong siya pa ang mayor ng Davao.

At ngayon aniya na inaakusahan siya na mayroong bilyong pisong tagong yaman, hinahamon niya sina Morales at Sereno na ipakita sa publiko ang laman ng kanilang bank accounts.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...