Police assistance desks ilalagay sa LRT stations; mga naka-uniporme at pulis na may ID libre na ang sakay sa tren

By Mark Gene Makalalad October 03, 2017 - 10:57 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Pumasok sa isang kasunduan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at ang Philippine National Police (PNP) upang mas matutukan ang seguridad ng riding public.

Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ni LRTA Administrator Gen. Reynaldo Berroya at PNP Chief Ronald Dela Rosa, nagkasundo ang LRTA at PNP na mas paigtingin pa ang pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa pag-iwas sa mga krimen at pagbibigay ng agarang tulong sa mga pasahero ng tren.

Ayon kay Berroya, umaasa sila na sa pamamagitan ng pakikipag-partner nila sa PNP ay tataas ang police visibility sa bisinidad ng LRT at mas mababantayan ang mga pasahero nila na ang buhos ay nagmumula sa Santolan, Cubao at Recto.

Sa ilalim ng kasunduan, magtatayo ng police assistance desks sa lahat ng LRT stations ang PNP.

Kapalit naman nito ang libreng sakay sa mga police personnel na naka-uniporme at may dalang ID.

Magbibigay din ang PNP ng materials na naglalaman ng crime prevention tips at iba pang PNP programs.

 

 

 

 

TAGS: LRT, MOU, PNP, police desks, Radyo Inquirer, LRT, MOU, PNP, police desks, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.