Apektado rin ako ng trapik! – Chairman Francis Tolentino

Jay Dones
Radyo Inquirer/Jay Dones file

Aminado si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na pati siya ay naasar sa matinding daloy ng trapiko na naranasan ng halos ay buong Metro Manila noong Martes ng gabi.

Pero bago ulanin ng batikos ang kanyang tanggapan sinabi ni Tolentino na dapat ay maintindihan ng publiko kung ano ba talaga ang dahilan at bakit nagkaroon ng mataas na baha at halos ay nagmistulang malaking parking areas ang mga pangunahing lansangan sa kamaynilaan.

“Kung titingnan po natin ang dahilan kung bakit mabigat ang traffic sa Metro Manila ay matutunton po ninyo ito sa kakulangan ng mga imprastraktura at kakapusan ng mga daan para sa mga sasakyan”, ayon kay Tolentino sa panayam ng Radyo Inquirer.

Dagdag pa ng nasabing opisyal “Yung baha sa Quezon City ay walang kinalaman sa inirereklamong creek sa Makati City, may problema po tayo sa mga daanan ng tubig na dapat maintindihan ng publiko”.

Ipinaliwanag din ni Tolentino ang problema sa kahabaan ng EDSA, “kahit kayo po ay magtataka kung paano nagkakasya sa EDSA ang halos ay 360,000 na mga sasakyan gayung ang haba lamang nito ay 23-kilometers”.

“Hindi po namin pinapabayaan ang aming trabaho at ako mismo ay nakatutok sa mga ito pero dapat maintindihan ng publiko na marami pang mga bagay ang dapat na ayusin paara maasyos ang kabuuan ng Metro Manila” ayon kay Tolentino.

Read more...