Ilang barangay sa Metro Manila mawawalan ng tubig sa loob ng 6 hanggang 8 oras

By Dona Dominguez-Cargullo October 03, 2017 - 08:33 AM

Anim hanggang walong oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang maraming mga barangay sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila simula Martes (Oct. 3) ng gabi hanggang Miyerkules (Oct. 4) ng umaga.

Sa abiso ng Manila Water, may isasagawa silang service improvement activities na magreresulta ng water interruption sa ilang mga barangay sa Marikina City, Quezon City, Mandaluyong at Maynila.

Kabilang sa mga maaapektuhang barangay ang mga sumusunod:

MARIKINA

  • Concepcion Uno (9:00PM to 5:00AM)
  • IVC (10:00PM to 4:30AM)

QUEZON CITY

  • Bagumbuhay (10:00PM to 6:00AM)

MANDALUYONG and MANILA (9:00PM to 4:00AM)

  • Daang Bakal
  • Bagong Silang
  • Hagdang Bato Itaas
  • Hagdang Bato Libis
  • Harapin ang Bukas
  • Mabini – J. Rizal
  • Namayan
  • Burol
  • Pag-asa
  • Vergara
  • 895
  • 898
  • 899
  • 900
  • 901
  • 902
  • 904
  • 905
  • 906

Samantala, may isasagawa ding maintenance activities ang Manila Water na maka-aapekto sa ilang barangay sa Quezon City at Caloocan.

Sa abiso ng Manila Water, apektado ng water interruption mula gabi rin ng Martes (Oct. 3) hanggang umaga ng Miyerkules (Oct. 4) ang mga sumusunod na lugar:

QUEZON CITY (10:00PM to 4:00AM)

  • Siena
  • Talayan

CALOOCAN (11:00PM to 4:00AM)

  • 179

 

 

 

 

TAGS: caloocan city, Mandaluyong, manila, manila water, Marikina City, maynilad, quezon city, water interruption, caloocan city, Mandaluyong, manila, manila water, Marikina City, maynilad, quezon city, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.