59 na ang patay, 527 sugatan sa mass shooting sa Las Vegas

Las Vegas Mass shooting
FB Photo

Hindi bababa sa labingwalong mga armas ang natagpuan sa hotel room ng lalaking namaril sa Las Vegas.

Ayon kay Clark County Sheriff Joseph Lombardo, nasa labingwalo na mga baril ang nakuha sa hotel room ni Stephen Paddock, ang suspek sa Las Vegas mass shooting na ikinasawi ng 59 katao at ikinasugat ng 527 na iba pa.

Maliban sa mga baril, mayroong ding dalawang device si Paddock na nakakabit sa kaniyang semi-automatic guns para makapagsagawa ng fully automatic gunfire.

Nagsalita naman na ang may-ari ng gun shop na pinagbilhan ni Paddock ng mga armas sa Mesquite, Nevada.

Ayon kay Christopher Sullivan, general manager ng Guns & Guitars, hindi nila nakitaan ng indikasyon si Paddock na siya ay ‘unfit’ para makabili ng mga armas.

Tumanggi naman ang pamunuan ng establisyimento na banggitin kung ilan at anu-anong mga armas ang binili sa kanila ni Paddock pero tiniyak na ibabahagi nila ito sa mga otoridad.

Ani Sullivan, tinitiyak nilang nasunod ang pagsasagawa ng background checks at procedures sa ilalim ng local, state at federal laws sa pagbebenta ng mga armas.

Isa ring gun shop owner sa Utah ang nagsabi na bumisita rin sa kaniyang tindahan si Paddock kamakailan.

 

 

 

 

 

 

Read more...