Ginebra, pinataob ang TNT sa Game 1 ng kanilang semi-finals series

By Rod Lagusad October 03, 2017 - 01:12 AM

 

Mula sa PBA

Pinataob ng Barangay Ginebra ang TNT KaTropa sa Game 1 pa lang ng kanilang laban sa semi-finals ng PBA Governors’ Cup.

Sa score na 121-94, nangunguna na ang Ginbra sa TNT sa kanilang best-of-five semifinals series.

Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, kanilang nagawa ang gusto nilang maisakatuparan.

Pito sa mga manlalaro ng Ginebra ay pawang nakapagtala ng double-digit na mga score.

Ito ay pinangungunahan ni Justin Brownlee na may 21 points habang sunod naman dito si Joe Devance na may 19 points.

Nadagdag din para sa koponan si Greg Slaughter na may 16 points, si Mark Caguiao na may 13 points at may tig-10 puntos sina L.A. Tenorio, Japeth Aguilar at Jervy Cruz.

Nakatakda ang Game 2 ng best-of-5 semifinals series sa pagitan ng Ginebra at TNT sa darating na Miyerkules sa Batangas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.