Trillanes, kakasuhan ang AMLC kung hindi bibilisan ang imbestigasyon sa umano’y Duterte bank accounts

By Ruel Perez October 03, 2017 - 04:16 AM

 

Nagbanta si Sen. Antonio Trillanes na kakasuhan niya ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung hindi nito bibilisan ang pag-aksyon sa mga kasong isinampa nito na may kinalaman sa mga umano’y bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging sa mga umanoy bank accounts nito.

Ayon kay Trillanes, kung hindi kaagad kikilos ang AMLC, ay magsasampa ito ng kaso sa ilalim ng RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.

Paliwanag ni Sen. Trillanes, dapat magkaalaman na kung ano ba ang totoo hinggil sa umanoy mga bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ng senador ay bunsod ng pagtanggi ng AMLC na sila ang nagbigay ng mga bank documents sa Ombudsman na nagpapakita ng bank records ng pangulo mulang 2006 hanggang 2016.

Naniniwala ang mambabatas na tila ipinagtatanggol at pinagtatakpan pa ng AMLC si Duterte sa kanilang mga pahayag.

Giit ni Trillanes, sa halip na mag-issue umano ng mga gayung pahayag, dapat pabilisin ng AMLC ang aksyon upang makita ng taong bayan ang katotohanan sa likod ng mga umano’y tagong yaman ng presidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.