Trump sa Las Vegas mass shooting: ‘An act of pure evil’

By Jay Dones October 03, 2017 - 04:22 AM

Ipinag-utos ni US President Donald Trump na ilagay sa half-staff ang lahat ng mga watawat ng Amerika sa kanilang bansa bilang pakikiramay sa mga nasawi at nasugatan sa Las Vegas mass shooting kagabi.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag matapos ang madugong insidente ng pamamaril sa Las Vegas, nagpahatid ng pakikiramay si Trump sa lahat ng mga naapektuhan ng karumal-dumal na krimen.

Nanawagan rin si Trump sa lahat na makiisa sa paghahatid ng pakikidalamhati at dasal sa mga biktima ng trahedya.

Pinapurihan rin ni Trump ang lahat ng mga emergency responders at mga law enforcement units na tumugon sa insidente.

Tinawag rin na ‘act of pure evil’ ni Trump ang insidente.

Sa pinakahuling tala, nasa higit 50 ang nasawi sa pamamaril ng isang 64-anyos na lalake sa libu-libong mga nanonood ng isang concert sa Las Vegas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.