Mga armadong kalalakihan arestado sa pagpasok sa Camp Aguinaldo

By Mark Makalalad October 02, 2017 - 08:26 PM

Radyo Inquirer

Inaresto ng mga tauhan ng militar ang sampung mga kalalakihan makaraan silang magtangkang pmasok sa gate 6 ng Camp Aguinaldo na may dalang mga baril.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief B/Gen. Resty Padilla,  naaresto ang mga miyembro ng Southeast Asia Collective Defense Treaty sa gitna na rin ng mahigpit na pagpapatupad ng election gun ban.

Base sa inisyal na ulat, papunta sana ng tanggapan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang naturang grupo para magpasa ng accreditation pero napag alaman sa wala naman pala silang appointment kaya sila hinarang sa gate ng kampo.

Kabilang sa mga naaresto ang pinuno ng grupo na si Daniel Pagalan alyas Kumander Walang Patawad at siyam nitong kasamahan na sina: Alvin Simbahon, Rolando Mahusay a.k.a Kumander Melody, Dioscoro Danis, James Iwayan, Butch B Galimba, Rico Giducos, Ramil B Peralta, Rundy Paderes at Pascula Dizon a.k.a Kumander Haslim.

Nakumpiska naman mula sa kanila ang limang mga baril na imay iba’t ibang mga kalibre, mga bala at ilang identification cards.

Sa ngayon ay nakakulong sa Quezon City Police District Headquarters ang nasabing mga kalalakihan at inihahanda na ang mga kaso na isasampa laban sa kanila.

Hinigpitan naman lalo ang seguridad na ipinatutupad sa loob ng Camp Aguinaldo.

TAGS: AFP, Aguinaldo, armed men, lorenzana, southeast asia defense treaty, AFP, Aguinaldo, armed men, lorenzana, southeast asia defense treaty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.