Mga pulis hindi lalabag sa election gun ban ayon sa Chief PNP

Radyo Inquirer

Tatalima ang buong hanay ng Philippine National Police sa pagpapatupad ng gun ban.

Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief Ronald Dela Rosa makaraang ipag-utos ng Commission on Elections ang gun ban noong October 1.

Ayon kay Dela Rosa, hangga’t walang batas na nilalagadaan si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakansela ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay tuloy lang ang pagsunod nila dito.

Sa ilalim ng gun ban, mahigpit na ipagbabawal ang paggamit o pagdadala ng baril at deadly weapons sa mga pampublikong lugar kabilang na sa mga parke, lansangan, sa mga establisimento, private vehicles at public conveyances.

Ipinagbawal na rin ng ang pag-employ, pag-avail at pag-engage sa serbisyo ng mga security personnel kahit na miyembro ang mga ito ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), iba pang ahensiya ng pamahalaan at private security provider maliban na lamang kung pinayagan ito ng Comelec.

Samantala, nagpaalala naman si Dela Rosa sa kanyang mga kasamahan na bilang chief implementor ng gun ban ay mag-ingat sa pagtalima dito nang sa gayon ay hindi mapahiya ang kanilang hanay.

Ang gun ban ay ipinatutupad bilang bahagi ng paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong buwan ng Oktubre kung hindi ito maipagpaliban.

Read more...