Aguirre nagsampa ng ethics complaints laban kay Hontiveros
Sinampahan ng ethics complaint ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre si Sen. Risa Hontiveros sa Senado.
Ang reklamo ay base sa ginawang pagkuha ng larawan sa palitan ng mensahe sa telepono ni nina Aguirre at isang Cong. Jing kung saan mababasa na ipinamamadali ng kalihim ang pagsasampa ng kaso laban kay Hontiveros.
Ayon kay Aguirre, ngayon lamang nangyari sa kasaysayan ng Senado na isang Senador habang nasa loob ng session hall ay nakagawa ng paglabag sa Saligang Batas at paglabag sa Republic Act 4200 o anti-wiretapping law.
Hiling ni Aguirre sa kanyang reklamo na masuspendi kung hindi man masipa mula sa Senado si Hontiveros dahil sa kanyang ginawa.
Kaninang umaga ay sinampahan rin ni Aguirre si Hontiveros ng paglabag sa anti-wiretapping law sa Pasay City Prosecutors’ Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.