Pulu-pulong pag ulan, patuloy na mararanasan

Bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-Ulan, pagkulog, at pagkidlat ang inaasahan sa buong Kamaynilaan, at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala , patuloy namang mararanasan na magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pulu-pulong pagkulog, at pagkidlat, ang mga probinsya ng MIMAROPA, maging ng Kabisayaan at Mindanao

Mahina hanggang sa katamtamang hangin naman mula sa hilagang-silangan na gagalaw patungong hilagang-kanluran ang iiral sa hilaga at gitnang Luzon, atmula naman sa timog-kanluran hanggang sa kanluran sa nalalabing bahagi ng bansa.

Banayad hanggang sa katamtamang pag alon naman ang magiging kalagayan ng karagatan sa buong bansa.

Read more...