Mga pulis pinayuhan na huwag mag-trending sa kalokohan

By Mark Makalalad October 02, 2017 - 03:24 PM

Inquirer photo

“Mag-ingat kayo sa social media”.

Ito ang paalala ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa sa kanyang hanay sa gitna ng makabagong panahon kung saan laganap ang teknolohiya.

Babala ni Dela Rosa sa mga pasaway na pulis, mag isip-isip muna bago gumawa ng kalokohan dahil lahat halos ng lugar ay may CCTV na at halos lahat ng mga tao ay may smartphones na.

Dagdag pa nya, para matiyak umano na hindi mapag usapan sa internet ay gumawa na lang ng kabutihan ang mga pulis nang sa gayon ay wala silang maging alalahanin na baka maging viral.

Paglilinaw naman ni Dela Rosa, hindi niya nais na maging duwag at mag-ala ‘Santo’ ang mga pulis.

Ang nais lang daw nya ay gumawa ito ng tama at bantayan ang kanilang mga ginagawa.

Matatandaang naging mainit ang mata ng publiko sa PNP dahil sa giyera kontra droga at sa mga serye ng patayan kung saan nitong mga nakaraan ay pawang mga kabataan ang biktima.

TAGS: cctv, dela rosa, ejk, PNP, cctv, dela rosa, ejk, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.