CIDG naninindigan pa rin na hindi si “Kulot” ang bangkay na nakuha sa Nueva Ecija
Aminado ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanila ang tunay na pagkakakilanlan ng bangkay ng menor-de-edad na natagpuan sa Nueva Ecija na sinasabing si Reynaldo de Guzman alyas Kulot.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado kaugnay sa mga kaso ng extrajudicial killings, sinabi ni PNP CIDG Director Ruel Obusan na dilemma pa rin nila ang lumabas na resulta ng kanilang isinagawang DNA test na nagsasabing hindi bangkay ni ‘Kulot’ ang natagpuang bangkay sa Nueva Ecija
Sa panig naman ng ama ni Kulot na si Eduardo De Guzman, kampante umano siyang anak niya ang natagpuang bangkay para matapos na umano ang diskusyon sa tunay na pagkakakilanlan nito.
Sinuportahan naman ito ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Acosta.
Ayon kay Acosta, dapat nang itigil ang mga maling balitang ikinakalat hinggil kay Kulot tulad na lamang nang sinasabing bloated at hindi tuli ang bangkay, bagay na pinabulaanan ni Acosta nang makita niyang personal ang mga labi.
Kinuwestiyon din ni Acosta ang mismong DNA test dahil ilegal umano ang ginawa ng PNP na isailalim sa DNA testing ang bangkay nang walang pahintulot ng mga magulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.