Dahil dito muling ipapatawag ni Sen. Panfilo Lacson ang chairman ng komite ang dating pulis na si PO1 Vincent Tacorda upang magbigay-linaw sa tunay na dahilan ng kanyang pagbibitiw sa kanyang tungkulin bilang miembro ng PNP.
Gustong marinig mismo ni Lacson ang pahayag at testimonya ni Tacorda na umano’y kumukumpirma na “state-sponsored” ang mga nagaganap na pagpatay sa mga drug suspects.
Sa nabanggit na pagdinig, ikinuwento ni Tacorda sa pamamagitan ng isang video ang mga kaganapan sa ginagawa nilang operasyon laban sa illegal drugs sa Catanduanes.
Sa kanya ring affidavit na isinumite sa senate committee, isinalaysay nito at kinumpirma ang umano’y direktiba ng kaniyang chief of police na si Sr. Insp. Nathaniel Jacob at Privincial Director Jesus Martinez para pumatay ng lima hanggang sampung drug suspects sa ilalim ng war on drugs ng PNP.
Watch: P01 Vincent Tacorda na nagbitiw pagkapulis dahil sa umanoy direktiba patayin mga drug suspects ipinalabas sa senate hearing @dzIQ990 pic.twitter.com/dNSERPJGxB
— ruel perez (@iamruelperez) October 2, 2017
Nauna nang sinabi ni Tacorda na mayroon siyang recorded phone conversations sa pagitan niya at kaniyang superior hinggil sa planong pagpatay sa isang Samuel Rojas – 56 anyos na hinihinalang pusher.
Si Rojas na itinuturing na number 1 pusher sa Viga, Catanduanes ay binaril habang nanonood ng TV sa isang electronics shop sa Barangay San Jose noong August 10, 2016.
Nakaligtas si Rojas sa nasabing pag-atake.