Nagbitiw na pulis dahil sa hindi masikmurang pagpatay sa war on drugs, nagsumite ng salaysay sa Senado

By Ruel Perez October 02, 2017 - 01:07 PM

Hindi dumalo sa ginagawang pagdinig ng senate committee on public order and dangerous drugs ang umano’y pulis na nagbitiw sa tungkulin dahil sa hindi umano masikmura ang mga pagpatay na iniutos sa kanila ng kanyang mga superiors sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration.

Dahil dito muling ipapatawag ni Sen. Panfilo Lacson ang chairman ng komite ang dating pulis na si PO1 Vincent Tacorda upang magbigay-linaw sa tunay na dahilan ng kanyang pagbibitiw sa kanyang tungkulin bilang miembro ng PNP.

Gustong marinig mismo ni Lacson ang pahayag at testimonya ni Tacorda na umano’y kumukumpirma na “state-sponsored” ang mga nagaganap na pagpatay sa mga drug suspects.

Sa nabanggit na pagdinig, ikinuwento ni Tacorda sa pamamagitan ng isang video ang mga kaganapan sa ginagawa nilang operasyon laban sa illegal drugs sa Catanduanes.

Sa kanya ring affidavit na isinumite sa senate committee, isinalaysay nito at kinumpirma ang umano’y direktiba ng kaniyang chief of police na si Sr. Insp. Nathaniel Jacob at Privincial Director Jesus Martinez para pumatay ng lima hanggang sampung drug suspects sa ilalim ng war on drugs ng PNP.

Nauna nang sinabi ni Tacorda na mayroon siyang recorded phone conversations sa pagitan niya at kaniyang superior hinggil sa planong pagpatay sa isang Samuel Rojas – 56 anyos na hinihinalang pusher.

Si Rojas na itinuturing na number 1 pusher sa Viga, Catanduanes ay binaril habang nanonood ng TV sa isang electronics shop sa Barangay San Jose noong August 10, 2016.

Nakaligtas si Rojas sa nasabing pag-atake.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: affidavit, Catanduanes Police, senate hearing, Vincent Tacorda, affidavit, Catanduanes Police, senate hearing, Vincent Tacorda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.