Ombudsman Morales, hindi papatulan ang resignation challenge ni Duterte

Walang balak patulan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang panibagong hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sabay-sabay silang magbitiw sa pwesto, kasama si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Sa maikling statement, muling iginiit ni Morales ang posisyon ng Office of the Ombudsman, at ito ay ang sumunod sa constitutional duty nito.

Sisiyasatin din aniya ng Ombudsman ang bank accounts ng pangulo at pamilya nito, at gagawing batayan ang mga ebidensya at dokumento.

Noong weekend, sinabi ni Duterte na iisnabin umano niya ang imbestigasyon ng Ombudsman ukol sa inihaing reklamo ng kritiko ng presidente na si Senador Antonio Trillanes IV.

Sa akusasyon nito, mayroong nasa 2.4 billion pesos na pera sa Duterte sa kanyang bank accounts, na maaring nalikom mula noong alkalde pa siya ng Davao City.

Naunang nang minaliit ni Morales ang mga banta ni Duterte gaya ng pagbuo ng komisyon na mag-iimbestiga sa Ombudsman.

Nag-inhibit na rin si Morales sa anumang reklamo o kasong may kinalaman kay Duterte, dahil ang kanyang kapatid ay biyenan ng presidential daughter na si Davao City Mayor Sarah Duterte.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...