Ilang pulis, humingi ng proteksyon sa Simbahan; handang ibunyag ang partisipasyon sa EJKs
Nagpasaklolo ang ilang pulis sa Simbahang Katolika at sinabi nilang handa silang ibunyag ang lahat ng kanilang nalalaman sa mga patayan sa bansa na may kinalaman sa droga.
Nakipag-kita ang mga police whistleblowers kay Archbishop Socrates Villegas at ibang opisyal ng Archdiocese ng Liganyen-Dagupan at humiling sila ng proteksyon.
Sa statement ni Archbishop Villegas sa CBCP website, sinabi nito na gustong ihayag ng mga pulis ang kanilang papel sa extrajudicial killings at summary executions sa bansa.
Ayon sa arsobispo, binabagabag na ng kunsensya ang nasabing mga pulis.
Bukod sa pagkupkop sa mga pulis, nagpatulong na ang CBCP sa mga abogado para pag-aaralan ang ibubunyag at katotohanan ng mga istorya ng mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.