WATCH: Branch ng China Bank sa Quezon City, nilooban ng “Termite Gang”

China Bank in QUezon City
Kuha ni Isa Avendaño-Umali

(UPDATE) Isang bangko sa Quezon City ang inatake ng tinatawag na “Termite Gang”.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Chief Guillermo Eleazar, Lunes (Oct. 2) ng umaga ay nadiskubreng inatake ng Termite Gang ang China Bank sa Commonwealth Avenue.

Batay sa pahayag ng operations head ng bangko na si Marlou Espejo, nagkalat ang putik sa loob ng China Bank Camaro branch, sa Barangay Greater Fairview.

May manhole na nakita si Espejo, kaya agad na ipinaalam sa security head ng bangko ang nangyari.

Inaalam na ng mga otoridad kung saan dumaan ang mga umatakeng suspek.

Unang tiningnan ang kanal na nasa tapat mismo ng bangko, kung saan may naiwan pang tsinelas na maaaring pag-aari ng suspek.

Narekober din ng mga otoridad ang ilan sa ginamit ng termite gang gaya ng flashlight, screw driver, mga bareta at iba pa.

Ayon naman sa branch manager na si Gleizel Joyce Padua, base sa security head ay shinutdown ang monitor at alarm ng bangko.

Pero hindi raw naireport ang nangyari hanggang sa madiskubre na pinasok nga ng Termite Gang ang bangko.

Ang manmade manhole ay matatagpuan sa bank lobby, at may sukat na 2 feet in diameter, habang bukas ang volt.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng pera na nawawala at nagsasagawa pa ng inventory.

Hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil gumagana ang CCTV ng bangko.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...