Inako ng grupong Islamic State ang pag-atake na naganap sa French Mediterranean City na Marseille na ikinsawi ng dalawang babae.
Sa inilabas na statement ng IS, sinabi nitong tagasunod nila ang umatake sa train station na kalaunan ay napatay din ng mga rumespondeng otoridad.
Nadinig na sumigaw ng “Allahu Akbar” ang suspek bago isinagawa ang pananaksak.
Sa ngayon sinabi ni French Interior Minister Gerard Collomb, mayroon silang nasa 12 testigo sa insidente.
Posible aniyang terrorist act ang naganap pero tumanggi pa si Collomb na kumpirmahin ito habang patuloy pa ang imbestigasyon.
Mula 2015, umabot na sa 239 ang nasawi sa France dahil sa pag-atake ng jihadists.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.