Nananalasa na ngayon sa bansang Japan ang bagyong may international name na Etau.
Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na 125 kph.
Ayon sa ulat ng media networks doon, marami na ang sugatan dahil sa bagyo kabilang na ang isang 77-anyos na babae na natumba dahil sa lakas ng hangin.
Nagdudulot din ang bagyo ng mga pagguho ng lupa, at pagbaha sa iba’t ibang lugar.
Inabisuhan na ang milyong katao sa nasabing bansa na pansamantalang lisanin ang Tokyo at mag evacuate sa mga itinakdang lugar.
Kanselado na rin ang 35 flights ng Nippon Airways, base sa utos ng Japan Airlines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.