Maraming barangay sa Las Piñas at Parañaque at Pasay 12-oras na mawawalan ng suplay ng tubig
Labingdalawang oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang maraming mga barangay sa Las Piñas at Parañaque at Pasay City.
Sa abiso ng Maynilad Water Services Inc., may isasagawa silang pipe network upgrade sa Parañaque City na magreresulta ng water interruption mula alas 9:00 ng gabi ng Lunes (Oct. 2) hanggang alas 9:00 ng umaga ng Martes (Oct. 3) sa mga sumusunod na barangay:
LAS PIÑAS:
- Elias Aldana
- Ilaya
- BF International Village/CAA
- Manuyo Uno
- Manuyo Dos
PARAÑAQUE:
- BF Homes
- La Huerta
- Moonwalk
- San Dionisio
- San Isidro
- Santo Niño
Samantala, magsasagawa naman ng maintenance activities ang Maynilad na magreresulta pagkawala ng suplay ng tubig sa ilang barangay sa Pasay City at Quezon City.
Sa Pasay alas 9:00 ng gabi din ng Lunes (Oct. 2) hanggang alas 9:00 ng umaga ng Martes (Oct. 3) ang itatagal ng interruption sa mga sumusunod na barangay:
PASAY CITY:
- 183
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- Vitalez
Habang alas 10:00 ng gabi (Oct. 2) hanggang alas 4:00 ng umaga (Oct. 3) ang interruption sa ang Barangay 162 sa Quezon City.
Pinayuhan ng Maynilad ang mga maapektuhang residente na mag-imbak na ng tubig ngayong maghapon na sapat para sa kanilang pangangailangan hanggang sa Martes ng umaga.
Maari ding mabinbin pa ang pagbabalik ng suplay ng tubig depende sa elevation ng lugar, layo sa pumping stations at dami ng gumagamit ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.