Dela Rosa, personal na pangungunahan ang retraining ng mahigit isanlibong pulis-Caloocan

By Kabie Aenlle October 02, 2017 - 03:48 AM

 

Kuha ni Mark Makalalad

Ngayong araw ng Lunes, October 2 magsisimula ang retraining at reorganization ng 1,143 na pulis mula sa Caloocan City.

Pangungunahan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa ang muling pagsasanay ng mga pulis na tatagal ng 45-araw.

Matatandaang na-relieve sa kanilang pwesto ang mga nasabing pulis dahil sa sunud-sunod na mga pagkakadawit ng mga tauhan ng Caloocan police sa mga maanomalyang operasyon.

Kabilang na dito ang pagkamatay ng mga kabataang sina Kian Loyd delos Santos at Carl Angelo Arnaiz sa kanilang mga operasyon.

Nasundan pa ang pagbatikos sa Caloocan police matapos ang isinagawang iligal na raid sa isang tahanan sa lungsod kung saan nanakawan pa ang mga may-ari ng bahay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.