AFP, humiling ng dagdag na oras para maresolba ang Marawi crisis

By Kabie Aenlle October 02, 2017 - 04:14 AM

 

Nanawagan ang hepe ng Western Mindanao Command na si Lt. Gen. Carlito Galvez ng karagdagan pang panahon para tuluyang mawakasan ang gulo sa Marawi City.

Ito’y matapos silang mabigong masunod ang deadline na ibinigay ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na October 1.

Una na ring nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na umaasa siyang kayang mawakasan ng mga sundalo ang krisis sa Marawi City sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre ngunit hindi nila ito naisakatuparan.

Paliwanag ni Galvez, mayroon pang nasa 46 na mga bihag ang kailangan nilang sagipin, at dahilan din ang mga ito kung bakit hindi sila basta-basta maka-atake.

Ibinalita naman ni Galvez na sa ngayon ay mas malapitan na ang pakikipagbakbakan nila sa mga miyembro ng Maute Group.

Dahil sa walang humpay nilang pagsalakay nitong mga nagdaang araw, napaliit na rin nila ng hanggang sa laki ng dalawang football fields ang lugar na ginaganapan ng bakbakan.

Ani Galvez, nahihirapan na din sila ngayon dahil sa mga terrain at gusali na komplikadong daanan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.