2018 budget ng Office of the Ombudsman, tiniyak ni Legarda

By Rhommel Balasbas October 02, 2017 - 04:11 AM

 

Tiniyak ni Sen. Loren Legarda na may budget na nakalaan para sa capital outlay ng Office of the Ombudsman.

Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na nararanasan ng tanggapan mula sa Malacañang partikular ang maaanghang na pahayag mula sa Pangulo.

Matatandaan na nauna nang humiling si Ombudsman Conchita Carpio Morales ng karagdagang capital outlay para sa pagpapagawa ng mga imprastraktura na makakatulong sa ahensya.

Ayon kay Legarda na siya ring Chair ng Senate Finance Committee na tumatalakay sa panukalang 3.7 trilyong pisong pambansang budget, nagdagdag ang panel ng pondo para capital outlay ng ahensya.

Anya, 127 milyon ang inilaan para sa konstruksyon ng bagong building at 16.653 naman ang ibibigay para sa e-SALN project ng opisina.

Isang web-based system ang e-SALN kung saan online nang maifafile ng mga opisyal at empleyado ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net worth.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.