Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, masaya sila sa pagsuporta ng AmCham sa programang ito na nakatakda nang isalang sa deliberasyon sa plenaryo sa Senado.
Giit ni Abella, ang mga mahihirap talaga ang sentro sa pagsusulong ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN).
Ayon pa sa tagapagsalita, mas mapapaunlad ng gobyerno ang productivity at living standards ng mga tao sa pamamagitan ng mas maunlad din na mga imprastraktura at social services.
Ito kasi ang pangunahing paglalaanan ng mga inaasahang kikitain ng gobyerno oras na maipatupad ang tax reform.
Suportado ng AmCham hindi lang ang bersyon ng Senado sa panukala, kundi pati ang bersyon ng Kamara.