Palasyo, masaya sa suporta ng American Chamber of Commerce sa Tax Reform Program
Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na mas mapapabilis ang pag-pasa sa Comprehensive Tax Reform Program dahil sa paghayag ng American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham) ng suporta sa nasabing panukala.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, masaya sila sa pagsuporta ng AmCham sa programang ito na nakatakda nang isalang sa deliberasyon sa plenaryo sa Senado.
Giit ni Abella, ang mga mahihirap talaga ang sentro sa pagsusulong ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN).
Ayon pa sa tagapagsalita, mas mapapaunlad ng gobyerno ang productivity at living standards ng mga tao sa pamamagitan ng mas maunlad din na mga imprastraktura at social services.
Ito kasi ang pangunahing paglalaanan ng mga inaasahang kikitain ng gobyerno oras na maipatupad ang tax reform.
Suportado ng AmCham hindi lang ang bersyon ng Senado sa panukala, kundi pati ang bersyon ng Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.