Mga testigo sa pagkamatay ni Atio Castillo, hinihimok ng DOJ na lumutang na

By Kabie Aenlle October 02, 2017 - 04:12 AM

 

Muling nanawagan ang Department of Justice (DOJ) sa mga nakasaksi sa pag-hazing sa freshman law student na si Horacio “Atio” Castillo III, na lumantad na at tumulong sa imbestigasyon.

Magsisimula na kasi ngayong linggo ang pagdinig na gagawin ng DOJ kaugnay sa mga kasong kriminal na isinampa laban sa mga miyembro ng Aegis Juris, ngunit wala pa rin silang testigo.

Tiniyak naman ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na kung sinuman ang may nalalaman tungkol sa pagkamatay ni Atio na lalapit sa kanila ay isasailalim nila sa witness protection program (WPP).

Ayon kay Aguirre, maaring tumawag ang mga testigo sa numerong 0995-4429241 na isang hotline na itinalaga para lang sa kaso ni Castillo.

Ibinunyag na rin ng kalihim na may dalawang maaring magsilbing testigo na ang tumungo sa kaniyang opisina noon ngunit hindi na muling bumalik dahil sa pangamba sa kanilang buhay.

Samantala, iginiit ni Aguirre na bagaman paghahanap lang ng probable cause para magsampa ng kaso sa korte ang magiging resulta ng kanilang preliminary investigation, makakatulong ang testimonya ng saksi para mas mapatibay ang kaso.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.