Tax reform bill, target nang maratipikahan ng Senado
Target nang ratipikahan ng Senado ang panulang Tac Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) sa susunod na linggo.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya na maipasa na agad ang panukala.
Sa ilalim ng TRAIN, inaasahang tataas ng P148 bilyon ang makokolektang tax ng pamahalaan na gagamitin para sa implementasyon ng “Build, Build, Build” program ng administrasyon.
Sakali namang mayroong mga hindi mapagkakasunduang probisyon sa pagitan ng bersyon ng Senado at ng Kamara, sinabi ni Pimentel na tatalakayin at aayusin na lang ito sa bicameral conference committee meetings.
Aniya pa, target kasi nilang maipasa ang nasabing panukala bago ang kanilang break na magsisimula sa October 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.