2 patay sa pananaksak sa Marseille, France

 

Dalawa ang patay sa pananaksak ng isang lalaki sa main train station sa Mediterranean City sa Marseille, France.

Ayon kay local prosecutor Xavier Tarabeux, napatay naman ang suspek matapos siyang barilin ng mga rumespondeng sundalo na nagpapatrulya sa lugar.

Ayon naman sa ulat ng Agence France-Presse, isang source ang nagsabing sumigaw muna ng “Allahu Akbar” ang suspek bago nito inundayan ng saksak ang mga dumadaan.

Agad namang pupunta si French Interior Minister Gerard Collomb sa lugar kung saan nangyari ang insidente.

Matatandaang nananatiling nasa high alert ang France matapos ang mga sunud-sunod na pag-atakeng naganap sa bansa mula noong Enero 2015.

Mula noon ay inilunsad nila ang Operation Sentinelle kung saan 7,000 na sundalo ang ipinakalat sa buong bansa para bantayan ang mga high-risk areas tulad ng mga transport hubs, tourist sites at mga religious buildings.insidente.

Read more...